School Improvement 2022-2025: Plano, Pagpapatupad, at Pagsusuri Inilatag
- 1079693
- Jul 24, 2022
- 1 min read
Bilang paghahanda sa pagbuo ng School Improvement Plan ng taong panuruan mula 2022 hanggang 2025 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Paaralang Elementarya ng Anabu II ngayong araw, Mayo 19, upang pag-usapan ang mga gampanin at gawain sa pagpapatupad ng iba't ibang programa at proyekto na makakatulong sa pagpapaunlad ng paaralan.
Pinangunahan ni Gng. Andrea A. Angeles, Punongguro II, kasama ang mga Dalubguro ang pagbabahagi ng Vision-Mission ng Kagawaran ng Edukasyon at pagtatalakay sa importansiya ng pagpaplano, pagpapatupad, at pagsusuri ng mga aktibidad ng bawat programa at proyekto sa pagpapabuti at pagbabago.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga panloob at panlabas na mga stakeholder na nangakong makikipagtulungan at makikiisa sa pagsulong ng paaralan sa dekalidad na edukasyon para sa mga batang Anabueño.
Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili
May 19, 2022
Kommentare