top of page

ADMISSIONS

Enrollment na!

Handa ka na bang mag-enroll? Ano nga ba ang mga proseso ng enrollment sa School Year 2022-2023?

Halina't panoorin ang advocacy video ng paaralan upang masagot ang inyong mga katanungan!

276300760_5464284153604671_3544652317868897123_n.jpg

Early Registration na! Tara at magpatala!
 

Inaanyayahan lahat ng mga magulang na ipatala ang kanilang mga anak na Kindergarten at Grade One sa darating na pasukan para sa taong panuruang 2022-2023 mula Marso 25 hanggang Abril 30, 2022.

​

Panoorin ang inihandang advocacy video ng Paaralan para sa mga karagdagang impormasyong kailangang malaman.

276300760_5464284153604671_3544652317868897123_n.jpg

Oplan Balik Eskwela 2021-2022

Para sa inyong mga katanungan tungkol sa enrollment at school opening, maaaring makipag-ugnayan sa Oplan Balik Eskwela - Public Assistance Action Center ng Paaralang Elementarya ng Anabu II gamit ang mga hotline numbers ng paaralan at bawat Grade Level Enrollment Focal Person.

Tara na! Tungo sa ligtas at maayos na Balik Eskwela!

Online Enrollment Portal 2021-2022

Nakapag-enrol ka na ba para sa taong 2021-2022?

Narito ang online enrollment link ng ating paaralan para sa taong 2021-2022. Sundin ang mga guidelines para sa ating online enrollment.

1. Gamit ang e-mail ng mag-aaral, i-click ang icon ng enrollment. Isang mag-aaral lamang ang maaaring gumamit ng isang e-mail na ginamit sa pagsagot ng online enrollment. Hindi na maaaring ulitin ang email na ito para sa ibang mag-aaral. Isang email sa bawat mag-aaral lamang ang tatanggapin ng portal kaya hindi pwede ang email ng magulang lalo na kung higit sa isa ang anak na mag-eenrol.

2. Sagutan ang mga katanungan na nakapaloob sa enrollment form ng bata/mag-aaral.

3. Tandaan, magkaiba ang MAGULANG/PARENT at GUARDIAN. Checkan lang po ang tamang box.

https://anabudos.com/schools/anabu2/homepage

portal.jpg
bottom of page