top of page

Libreng disinfection at misting mula sa MAPECON

Isinagawa ngayong araw ng Linggo, Hulyo 24, ang libreng disinfection at misting ng MAPECON para sa Paaralang Elementarya ng Anabu II kaugnay ng paghahanda para sa pagsisimula ng enrichment classes ng paaralan sa Lunes, Hulyo 25 ng taong kasalukuyan.


Ang MAPECON ay isa sa kinikilalang katuwang ng paaralan sa pagbibigay ng ligtas na kapaligiran para sa balik-eskwela sa lahat ng mga mag-aaral at kawani.


Taos pusong pasasalamat ang nais ipabatid ng Paaralang Elementarya ng Anabu II sa pamunuan ng MAPECON sa walang sawang pakikipagtulungan at suporta sa paaralan.


Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili

July 24, 2022



Comments


bottom of page