top of page

Play-Based Learning Camp: Ang Paglulunsad

Sulat ni: Ann Julianne Katerina C. Sili

Hulyo 25, 2022


Bilang pagsunod sa DepEd Order no.25 s.2022, ang Paaralang Elementarya ng Anabu II ay nagsagawa ng enrichment classes sa pamamagitan ng programang 'Play-based Learning Camp'.

Ito ay para sa mga natukoy na mga mag-aaral ng School Year 2021-2022 na higit na nangangailangan ng suporta sa pagtuturo upang matugunan ang mga agwat sa pag-aaral na dala ng biglang pagbabago ng pagtuturo at pagkatuto dahil sa pandemya.


Sa pamamaraang play-based learning, hinihikayat ng guro ang pag-aaral at pagtatanong ng mga bata sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan na naglalayong iunat ang kanilang pag-iisip sa mas mataas na antas.


Ang paglalaro ay nag-uudyok, nagpapasigla, at sumusuporta sa mga bata sa kanilang pag-unlad ng mga kasanayan, konsepto, pagkuha ng wika, mga kasanayan sa komunikasyon, at konsentrasyon dahil pinakamahusay na natututo ang mga bata sa pamamagitan ng mga karanasan.


Ang programa ay tatakbo mula Hulyo 25 hanggang Agosto 12 ng taong kasalukuyan.


Naging matagumpay ang unang araw ng pagpapatupad ng programa dahil na din sa suportang ibinigay ng pamunuan sa pangunguna ni Gng. Andrea A. Angeles, Punongguro II, at sa dedikasyon ng mga guro ng paaralan.


Comentários


bottom of page