top of page

School Based Feeding Program: Tulong sa Pag-aaral


Ngayong araw ay namamahagi ang paaralan ng mga masusustansiyang 'food products' sa 517 na benepisyaryo ng School-Based Feeding Program o SBFP.


Ito ay naglalayong paigtingin ang bilang ng mga batang kulang sa timbang dahil sa kakulangan sa sustansya ng kanilang kinakain na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Ang mga magulang ng mga batang kasali ay inaasahang magpunta sa paaralan ayon sa nakalaang oras nila upang maiwasan ang kumpulan at pagdami ng tao alinsunod sa regulasyon ng IATF.


Natanggap ang masusustansiyang 'food products' mula sa Schools Division of Imus City noong Martes, Disyembre 8, 2021.

Isinulat ni: Ann Julianne Katerina C. Sili

December 9, 2021

Commentaires


bottom of page