Eskwelahanan: Tugon sa Pangangailangan, Tulong sa Pag-aaral
- 1079693
- May 6, 2022
- 1 min read
Ang Eskwelahanan o Eskwelahan sa Tahanan ay proyekto ng Home Learning Spaces Program ng Schools Division of Imus City na naglalayong pagsama-samahin ang mga stakeholders sa pagtugon at pagtulong sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya na lumikha ng isang de-kalidad at kaaya-ayang espasyo sa pag-aaral sa tahanan.
Isa ang Paaralang Elementarya ng Anabu II sa mga nabigyan ng tulong upang ibahagi ang mga Home Learning Kits sa mga piling mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 at maisakatuparan ang layunin ng proyekto.
Kasama sa kit ng Kindergarten at Grade 1 ang mesa, upuan, rechargeable lamp, pocket WiFi, storage box, at mga school supplies na pinondohan ng External Partnerships Service ng Central Office. Samantalang sa kit ng Grade 2 at Grade 3 ay kasama ang armchair na donasyon ng Bear Brand at mga school supplies na pinondohan mula sa Program Support Fund for Partnerships and Linkages.
Tunay na sa pagkakaisa ay matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagpapatuloy ng edukasyon na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili
April 18, 2022
Comments