DepEdal na Edukasyon: Ang Ikalawang Pagpedal
- 1079693
- Jan 27, 2022
- 1 min read

Ngayong araw ay nakipagpanayam ang ating Punungguro na si Gng. Andrea A. Angeles kasama ang Pangulo ng Teachers' Association na si Gng. Anicia G. Cueno at ilang guro ng paaralan sa mga butihing Kapitan ng mga Barangay ng Anabu upang humingi ng suporta para sa programa ng paaralan na DepEdal na Edukasyon.


Matatandaang inilunsad ng paaralan ang DepEdal na Edukasyon noong ika-4 ng Marso ng taong kasalukuyan upang matulungan at matutukan ang mga batang higit na nangangailangan ng tulong at gabay ng mga guro sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang.


Ngayong taong panuruan, sa tulong ng mga guro at magulang ay sumailalim ang lahat ng mga mag-aaral sa masusing pagtatasa upang matukoy ang mga sasailalim sa programa.


Inaasahang mas maraming matutulungan ang programa sa ikalawang pagpedal nito sa patuloy na pakikiisa ng lahat.
Isinulat ni: Ann Julianne Katerina C. Sili
November 16, 2021
Comments