top of page

Basa-Busog Program: Dagdag sa kaalaman at kalamnan

Sa pagtatapos ng programang Basa-Busog ay taos pusong nagpasalamat sina Kapitan Joey Sarte at Kagawad Loida Borata ng Barangay Anabu II-C sa Paaralang Elementarya ng Anabu II at sa mga guro ng ika-anim na baitang.


"Kahit na walang face to face ay matiyaga kayong nagpupunta dito sa amin para magturo," ayon kay Kapitan Sarte na linggo linggong tumutulong sa pagsasaayos ng kubo kung saan nagtuturo ang mga guro.


"Maraming salamat po sa inyong dedikasyon. Kahit na malakas ang ulan ay napunta kayo dito para matiyagang magturo sa mga bata," dagdag ni Kagawad Borata na katuwang ng mga guro sa pagsigurong makakapunta sa oras ang mga mag-aaral.


Nagsagawa naman ng pangwakas na gawain ang mga guro sa mga mag-aaral na bahagi ng programa upang masukat ang pag-unlad ng kanilang kakayahan sa pagbabasa.


Bukod dito ay namigay ng mga school supplies si Gng. Jocelyn B. Tismo, guro ng ika-anim na baitang at may-ari ng programa.


"Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang nasimulang kasipagan sa pagbabasa at pagkain ng masustansya," ani ni Gng. Tismo.


Matatandaang ang programa ay nagsimula noong ika-7 ng Mayo ng taong kasalukuyan na naglalayong matutukan sa pagbabasa ang mga nahihirapang mag-aaral ng ikalimang baitang ng nasabing barangay gayun din sa pagkain ng masustansiyang pagkain na maaaring makaapekto sa kanilang pagkatuto.


Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili

June 20, 2022


Comments


bottom of page