top of page

Basa-Busog Program: Dagdag sa kaalaman at kalamnan

Sa pagtutulungan ng Paaralang Elementarya ng Anabu II sa pangunguna ni Gng. Andrea A. Angeles at ng Barangay Anabu II-C sa pangunguna ni Kapitan Joey Sarte ay maisasakatuparan ang programang 'Basa-Busog' na naglalayong matutukan sa pagbabasa ang mga nahihirapang mag-aaral ng ikalimang baitang ng nasabing barangay gayun din sa pagkain ng masustansiyang pagkain na maaaring makaapekto sa kanilang pagkatuto.


Ang programa ay magsisimula sa ika-7 ng Mayo at matatapos sa ika-25 ng Hunyo ng taong kasalukuyan kung saan ang mga guro ng ika-anim na baitang ang magiging guro ng mga mag-aaral na kabahagi dito.


Bilang paghahanda ay nakipagpulong ang paaralan sa: - Barangay Anabu II-C upang matukoy ang mga kailangan sa pagpapatupad ng programa, - mga gurong magtuturo upang ibigay at mapaghandaan ang kanilang nakatakdang oras ng pagtuturo, - at mga magulang ng mga mag-aaral na kabahagi upang ipaalam ang importansya ng programa at hikayating makiisa.


Inaasahan ang pakikiisa ng lahat hindi lamang sa ikatatagumpay ng programa pati na din sa mabuting maidudulot ng pagbabasa at masustansiyang pagkain sa mga mag-aaral.


Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili

May 5, 2022


Comments


bottom of page