top of page

ANO'NG KWENTONG BALIK-ESKWELA MO?


Taong 2019 nang ma-diagnose na may leukemia si Althea Jhoy M. Laroya, isang Grade 6 learner mula sa Anabu II Elementary School.


Sa kasalukuyan, patuloy pa rin siyang sumasailalim sa chemotherapy minsan sa isang linggo. Isang hindi birong sakit kung tutuusin, ngunit iba ang mababakas kay Althea. Nananatili siyang positibo at naghayag pa nga ng kanyang "excitement" sa pagbabalik-eskwela.


"Excited po ako dahil marami po akong makikilalang mga bago kong kaklase at masaya din po ako dahil marami ulit akong bagong matututunan," aniya.


Ayon pa sa kanyang inang si Mommy Lhermz Barco Mendoza-Laroya, sobrang excited ang anak sa first day of school at talagang mahilig itong mag-aral at consistent honor student pa.


"Pero November 2019 po nang ma-diagnose siya ng leukemia at nag-stop ng umpisa ng 3rd grading period. Pero despite that, nailapit ng school sa DepEd ang case niya at nakapasa po siya't natapos niya ang Grade 4 at ngayon nga po ay malapit na siyang makatapos ng elementarya."


Bagama't may karamdaman, bagama't may pandemya, anomang pagsubok ang pinagdaraanan, tunay na lahat ay kayang malagpasan. Sa tulong Niya. Sa ating paniniwala at gawa. 'Yan ang Bidang Imuseño!


CTTO: DepEd Tayo Imus City

תגובות


bottom of page