Anabu 2 ES tinanggap ang hamon ng Project OPPa
- 1079693
- Jan 27, 2022
- 1 min read
Updated: Jan 27, 2022

Upang masiguro ang pagpapatuloy ng kalidad na edukasyon kahit na may pandemya, inilunsad ng Schools Division of Imus City ang paligsahang "Project OPPa" na naglalayong himukin ang mga paaralan sa probisyon ng kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral na nakakatulong sa pagtuturo at pagkatuto sa bagong normal na nilahukan ng iba't ibang paaralan ng lungsod kabilang na ang Paaralang Elementarya ng Anabu II.
Bilang paghahanda sa Project OPPa, nagsagawa ang paaralan ng sariling paligsahan upang matukoy ang baitang na may pinakamagandang Modular at Online Distance Learning Hubs na sa huli ay pinagtagumpayan ng ikaapat na baitang sa kanilang napiling temang pang hardin.

Makikita sa kanilang Modular Hub ang mga intervention materials na ginagamit ng mga guro, learners' outputs, at learners' records/portfolio gayun din ang maayos na proseso sa pagbibigay at pagkuha ng mga self-learning modules at learning activity sheets.
Sa kanilang Online Hub naman ay makikita ang mga video lessons at mga paraang online na ginagamit ng mga guro sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang at mag-aaral na nangangailangan ng tulong at kaliwanagan sa bawat aralin.

Naging matagumpay ang pagsasaayos ng mga modular at online hubs dahil na din sa walang sawang pagtutulungan ng mga guro at magulang isama na ang suporta ng paaralan at punungguro.
"Ang Project OPPa ay isang patunay na hindi hadlang ang pandemya sa pagkakaroon ng maayos at kaaya-ayang mga silid-aralan na maaaring maging kasangkapan sa pagpapatuloy at pagbibigay ng kalidad na edukasyon," ayon kay Gng. Andrea A. Angeles, punungguro ng paaralan.

Isinulat ni: Ann Julianne Katerina C. Sili March 13, 2021
Comments