top of page

Pagtitipon para sa Limited Face-to-Face

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng Paaralang Elementarya ng Anabu II para sa Limited Face-to-Face modality, nagpulong ang mga itinalagang kawani ng Paaralan sa pangunguna ni Gng. Andrea A. Angeles, Punongguro II, at ang mga kinatawang kawani ng mga Barangay ng Anabu ngayong araw.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga dapat ihanda ng Paaralan at bawat Barangay. Ganun din ang mga dapat tandaan at mga maibibigay na tulong at suporta ng mga Barangay sa mga magulang at mag-aaral na kabahagi ng nasabing modality.


Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili

March 21, 2022


Si Gng. Andrea A. Angeles (ikalima mula sa kaliwa), Punongguro II, kasama ang mga kinatawang kawani ng paaralan at ng mga Barangay ng Anabu ay nangakong makikiisa sa pagpapatupad ng 'Limited Face-to-Face Classes'.


Binati at tinanggap ni Gng. Angeles ng may buong kagalakan ang mga kinatawang kawani ng mga Barangay ng Anabu.


Ipinaliwanag nina Gng. Anicia G. Cueno at Gng. Rosalinda T. Alcantara ang kahalagahan ng pagsunod sa panuntunan ng paaralan na ayon sa IATF. Pinaunlakan din nila ang mga tanong ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon.

Comentarii


bottom of page