Paghahanda para sa Limited Face-to-Face
- 1079693
- May 6, 2022
- 1 min read
Dalawang araw bago ang pagbubukas ng Paaralang Elementarya ng Anabu II sa Limited Face-to-Face Classes ay nakipagtulungan ang Barangay Anabu II-B sa paglilinis ng kapiligiran ng paaralan.
Naisakatuparan ang pagtutulungan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Paaralan sa pangunguna ng ating Punongguro, Andrea A. Angeles, at Presidente ng AIIESTA, Anicia G. Cueno, sa Barangay Anabu II-B sa pangunguna naman ng kanilang Acting Kapitan, Christian R. Diato, Konsehal Emelinda Amoroso, at Konsehal Mariano Destura.
Naging matagumpay ang paglilinis ng kapaligiran ng Paaralan dahil sa pagtutulungan ng mga gurong kabahagi at ng mga Barangay volunteers.
Taos pusong pasasalamat ang nais ipabatid ng Paaralang Elementarya ng Anabu II sa Barangay Anabu II-B sa walang sawang pakikipagtulungan at suporta sa paaralan.
Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili
March 26, 2022




Comments