Induction Program for Beginning Teachers
- 1079693
- May 6, 2022
- 1 min read
Nagsimula na ang oryentasyon sa pagpapatupad ng Paaralang Elementarya ng Anabu II sa 'Induction Program for Beginning Teachers' para sa mga bagong natanggap na mga guro mula taong 2019 hanggang sa taong kasalukuyan. Naglalayon itong magbigay ng komprehensibong gabay sa mga bagong guro upang magabayan sila sa propesyon ng pagtuturo sa sistema ng pampublikong paaralan.
Ang nasabing programa ay tatakbo mula ika-4 ng Abril hanggang ika-10 ng Hunyo kung saan ituturo bawat linggo ang anim (6) na coursebooks base sa oras na kakayahan at kakayanin ng bagong guro.
Sa pangunguna ng Punongguro, Andrea A. Angeles, ang labing-tatlong (13) mga bagong guro ng Paaralan ay hinati sa limang grupo upang patnubayan ng limang tagapagturo, Anicia G. Cueno (Master Teacher II), Divina N. Baile (Master Teacher I), Memelyn L. Caayohan (Master Teacher I), Ann Julianne Katerina C. Sili (Master Teacher I), at Jacqueline S. Gacias (Teacher III).
Naging matiwasay ang oryentasyon dahil na din sa maayos na pagpaplano at paghahandang ginawa ng Paaralan.
Written by: Ann Julianne Katerina C. Sili
March 30, 2022
Comments